"Bestfriend?" narinig kong tawag ni Beron. Nakahiga akong patagilid sa kama ko. Sa tantiya ko ay nasa alas-kuwatro na ng hapon. Ilang araw na din akong tamad na tamad, at gusto ko ay nakahiga na lang lagi. Gusto kong isipin ni Beron na tulog ako, kahit hindi naman ako tulog. Gustuhin ko din namang matulog ay hindi naman ako dalawin ng antok. Palaisipan pa din sa akin ang pagsisinungaling nila Becca, Chad at Adam. Isa pa, mula noon ay hindi na uli ako tinangkang tawagan ni Klarence. Hindi ko na rin naririnig na tumatawag ito kay Beron. Wala din namang nababanggit sa akin si Beron. Lalo tuloy akong naiinis kay Klarence! Hindi niya talaga ako mahal! O marahil mas mahal niya talaga si Nikki! O baka naman ginawa lang niya akong re