"Shut up." Saka ako sumakay na. Bigla naman akong nakaramdam ng pagsisisi sa nasabi ko. Anong magagawa ko? Naiinis pa din kasi ako sa 'connivance' nila ni Tito. Narinig ko na lang na sumara ang pintuan sa likuran ko. Hudyat na sumakay na si Klarence. Pagkatapos ay sumakay na din si Kevin sa tabi ko. "Sorry...." mahinang sabi ko kay Kevin. Bahala nang umintindi ni Kevin kung para saan ang ‘sorry’ ko. Date namin dapat ito, pero may asungot. Nahihiya din ako sa kanya sa naging eksena bago ako sumakay. Tanging ngiti lang ang isinagot ni Kevin. May ilang minuto na kaming tumatakbo nang magsalita si Klarence. "Sa iyo ba itong kotse?" Tiningnan siya ni Kevin sa rearview mirror bago