[Annika] Mabigat ang ulo ko nang magising ako. Nagtaka ako dahil pagdilat ko ng mga mata ko ay puting kisame ang tumambad sa akin. Bigla akong napabalikwas. Base sa itsura ng kuwarto ay nasa hospital ako. Bakit ako nandito? Into-inot akong bumalik uli ako ng higa dahil nakaramdam ako ng konting pagkaliyo. Pilit kong inalala ang nangyari. Ang naalala ko lang.... may celebration. Retirement celebration ni Tito Hernan. Si Klarence! Muling bumalik sa isip ko yung mga sinabi sa akin ni Klarence nung makalabas ako ng CR dun sa venue ng retirement ni Tito. Napahawak ako sa dibdib ko at saka napapikit. Muli kong naramdaman ang sakit ng mga sinabi niya. Bakit ba ganun na lang kababa ang tingin sa akin ni Klarence? W