"Sinong tatawagan?" sabi nung nasa pinto. "Ano ka ba naman, Klarence! Bakit ka ba nanggugulat?? Buti hindi ko nabitiwan itong hawak ko..." sabi dito ni Beron. Malapad na ngumiti si Klarence dito. Bakit parang naging mas lalo itong guwapo sa paningin ko? Parang gusto kong takbuhin siya ngayon at yakapin! "Sorry...." sabi nito kay Beron. "Sige! Si Beron na lang ang ngitian mo diyan ha." sabi ko dito na may pagtatampo. Hindi ba niya alam na mababaliw na ako sa pagka-miss ko sa kanya?! "Oh, ayan! Nagselos na...." sabi ni Beron, sabay nguso sa akin. Bahagya namang natawa si Klarence. Gosh! Bat ang sexy niya tumawa?? Nakalabas na si Beron sa pinto nang tanungin ito ni