BETRAYAL, DENIAL, AND REGRET

1106 Words
                     "If you ever start to miss me, remember I didn't walk away. You let me go...."                  "Becca. Please tell Tito Hernan to go to my office. Now!" sabi ko dito sa intercom. Nasapo ko ang ulo ko.             This could not be happening...             Nakarinig ako ng tatlong katok. Pagkatapos ay iniluwa ng pintuan si Tito Hernan.             "Klarence--"             "Tito Hernan, saan napunta ang One Million?" seryoso kong tanong dito.             "What One Million?" kunot-noong balik-tanong nito sa akin.             Napatayo ako mula sa upuan ko.             "Ano ito, Tito Hernan? Nawawalan ng isang milyon ang kumpanya nang wala kang alam? Of all people, ikaw lang ang inaasahan kong magmamalasakit sa kumpanya ko. And yet, pinabayaan mo habang wala akong malay doon sa hospital?" galit kong sabi dito.             Nakita ko sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Pero kumpanya ng mga magulang ko ang pinag-uusapan dito at napakahalaga nito sa akin.             "I-- I don't have any report regarding this. S-Saan mo ba nakita? Kung nalaman ko lang agad yan... bakit ko paaabutin pa sa yo? Alam ko namang you're still recuperating up to this day," sagot nito.             Napaupo ako. One Million is one hell of an amount.             "I want you to dig more into this mess. I'm-- I'm sorry, Tito Hernan... pero wala akong sisinuhin sa anomalyang ito," sabi ko dito.             Bahagya itong tumango.             "I understand, Klarence," sagot nito.             Wala akong maisagot na kay Tito Hernan. Simula't sapul siya lang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa kumpanya. Sumobra ba ako ng pagtitiwala?             "Kung wala ka nang tatanungin, mauuna na ko. Siyanga pala, may konting salu-salo mamaya after office para sa retirement ko. Let us forget work first. Magkasiyahan muna tayo ng konti. Yung EO Department ang nag-prepare nito. Hope to see you there," sabi nito.             Oo nga pala. Bago ako maaksidente, ay nagpaalam na si Tito Hernan na magre-retire na siya. Na-postpone lang dahil sa nangyari sa akin. If ever kayang nawala ako, tutuloy pa rin ba ito sa retirement niya?             "Klarence?"             Napukaw nito ang iniisip ko. Napatingin ako kay Tito Hernan.             "Hindi naman sa nakikialam ako... gusto ko lang i-confirm kung tama ang naririnig kong usap-usapan dito sa opisina..." tila nag-aalangang sabi nito.             Bumuntong-hininga ako. Hanggat maaari kasi ay ayaw kong makarating kay Tito Hernan. Ayaw kong makarating kay Annika ang balita. Bakit, Klarence? Wala namang something sa inyo ni Annika, di ba?             "Na pakakasalan ko si Heather? Yes," simpleng sagot ko.             "Sana ay napag-isipan mo itong mabuti, Klarence. Hindi naman kaila sa iyo ang nakaraan ng Auntie Elvira mo at ng Papa mo. Kung hindi ka nga lang nalagay sa bingit ng kamatayan, hindi ko na sana hahanapin ang Auntie mo. Wala naman kasi akong magawa. Siya ang pinakamalapit na kamag-anak mo. Nasa kanya ang karapatang magpasya ng tungkol sa kalagayan mo noon sa hospital," paliwanag nito.             "I understand, Tito....siguro, ito na lang talaga ang dapat kong gawin. Para wala na lang ding isyu sa parte ni Auntie Elvira sa kumpanya ng mga Montenegro," sagot ko dito.             "Klarence, alam na alam mo namang walang dugong Montenegro si Elvira. Ipinagamit lang sa kanya ng matandang Montenegro ang apelyido ninyo pero walang legalidad doon," pagpapaalala nito sa akin.             "Salamat sa pagpapaalala sa akin, Tito Hernan. Pero buo na ang pasya ko. At least, si Auntie Elvira at Heather, alam kong hindi ako iiwan dahil sa kayamanan ng mga Montenegro. Kakapit sila sa akin hanggang naibibigay ko sa kanila ang kailangan nila sa akin," tila may pagsukong sabi ko.             Marahas itong huminga.             "Klarence, kahit naman mag-retire ako, malalapitan mo pa rin ako. Anytime. Hindi naman siguro kaila sa iyo na mula nang mamatay ang mga magulang mo ay tumayo na rin akong pangalawang magulang mo. Kung yung pagre-retire ko ang issue dito--"             "No, Tito Hernan. I know.... it's enough. Naituro mo naman na sa akin ang dapat kong malaman sa kumpanya. You deserve a break this time," putol ko sa sasabihin pa niya.             Walang nagsalita sa aming dalawa. Ilang sandali ding nagkaroon ng katahimikan sa kuwarto. Kung mabigat para sa akin na umalis si Tito Hernan, alam kong mabigat din sa loob niyang iwanan ako at ang kumpanya.             Sana. Sana nga, tama ang iniisip ko.             "Pwede ka namang humanap ng babaeng tunay mong mamahalin at mamahalin ka din. Kung sa ngayon ay wala pa, wag mo namang isubo ang buhay mo sa isang relasyon na wala kang kasiguraduhan kung ano talaga ang gusto sa yo," sabi ni Tito Hernan habang matamang nakatingin sa akin.             "Obviously, ang kayamanan ng mga Montenegro ang gusto nila. No doubt about it," walang gatol kong sabi.             "Paano kung maubos na ang kayamanang sinasabi mo? Hindi ba at iiwan ka din nila?" sagot nito.             Wala akong naisagot. Tinamaan ako sa sinabi niya.             "Ngayong pinapasok mo na si Elvira sa mundo mo, mag-iingat ka. Dobleng ingat ang gawin mo. Wala akong tiwala sa hilaw na tiyahin mong yun," sabi nito.             Mataman ko itong tiningnan. Kay Auntie Elvira nga ba ako dapat mag-ingat, Tito Hernan???             "Kung pupunta ka pala mamaya, pinagpapauna ko na.... andun din si Annika," sabi nito at saka mabilis na tumalikod na para lumabas ng kuwarto.             Pagkarinig ko sa pangalan ni Annika ay may bahagyang kaba akong naramdaman.                 HINDI ako mapakali habang hinihintay ang oras. Tatlong oras pa ang hihintayin ko para dumalo sa selebrasyon ni Tito Hernan. At least ngayon, may reason ako para makita nang malapitan si Annika.             Bakit mo naman gugustuhing makita si Annika?? Galit ka sa kanya di ba? Masama siyang babae para sa yo di ba?             Nasabunutan ko ang buhok ko. Pinakamahirap pagdaanan sa buhay ay iyong kalabanin mo ang mismong sarili mo. Idi-nial ko ang number ni Heather.   "Please be ready by six o'clock. Pupunta tayo sa retirement celebration ni Tito Hernan," sabi ko dito pagkarinig ko sa matinis na boses nito, at saka mabilis na pinatay na ang tawag.               Ayoko nang makarinig ng sagot galing kay Heather. Hindi ko kayang makipag-plastikan sa kanya na okay kami. Dahil walang okay sa aming dalawa.             Nag-dial uli ako sa phone ko.    "Hernandez, may ipapadagdag ako. Unahin mo na ito. Kailangan ko agad ng resulta nito. Magkita na lang tayo in ten minutes. Ibibigay ko sa yo ang detalye pati ang paunang bayad." [“Okay.”]                Binuksan ko ang safety box sa pinaka-ilalim ng table drawer ko at saka may kinuhang mga papeles. Pagkatapos ay kinuha ko ang personal check book ko. Pagkasulat ko sa check book ay isinilid ko na ito sa isang envelope kasama ng mga papeles na kinuha ko sa safety box.             Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto. May sapat na oras pa ako para makipagkita kay Hernandez bago ko sunduin si Heather sa mansion ng Montenegro.      ~CJ1016           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD