"Alam niyo kung ano ang naging dahilan kaya agad ninyong kinansela ang nakatakdang kasal noon, Mr. Hernandez. And what next? Umalis ang buo ninyong pamilya ng bansa." Pagpapatuloy ko sa mga natuklasan ko sa kanila. Para hindi na sila maglakas loob na manumbat sa pagpapakasal ko sa iba. "At bakit, mr. Hernandez? Kailangan ko pa ba iyong sabihin sa inyo? Hmmm." Tanong ko na hindi nawala sa tono ko ang panunuya sa kanila. "Dahil ayaw ninyong madamay sa pagbagsak ng mga negosyo ng aming pamilya. Umalis kayo at kinalimutan ang ating kasunduan." "Kendrick, hindi iyan totoo. Sadya lamang na may bagay na.." "Hindi totoo?" Pang uulit ko sa sinabi ni Natalie. Ang lakas pa rin ng loob nitong sumagot kahit na sukal na sukal na sila sa katotohanan. At para saan ang pagtanggi nila? Para ilihis ang

