"Ano ba? Kaya ko naman maglakad. Ibaba mo ako, mr. Hidalgo." Hindi naman iyon kalakasan kaya kami lang ang nakarinig. Sinabayan ko pa iyon ng paggalaw ng paa ko ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Just hold on tight, Avery if you don't want to fall." Sa sinabi niyang iyon ay humigpit naman ang pagkakahawak niya sa akin. "Hmmp!" Pagkaakyat namin sa ikalawang palapag ay saka niya lang ako binaba ng makapasok kami sa silid niya. Nang mapagmasdan ko ang ayos ng kanyang silid ay para akong bumalik limang taon na ang nakakalipas dahil magkaperehong magkapareho ang ayos ng silid niya dito sa mansyon nila sa ayos ng silid niya sa bahay kung saan niya ako noon itinira. "Hmmm, it is look familiar to you?" Tanong niya. Nagulat pa ako ng yumakap siya mula sa likod ko at isinampay ang bab

