"One, two, three." Pagbibilang ko habang nakatingin ako sa pinto ng opisina ko. "Four, five." Na naghihintay sa pagbukas nun at iluwa na lang doon si Avery. Ever since I ended our contract with her, nag iba na ang ugali niya. Wala na talaga ang inosenteng batang babae na ikinulong ko sa pribado kong villa sa loob ng limang mahabang taon. Siguro nga, sa pagpapanatili ko sa kanya sa apat na pader ng villa ko ay natago rin ang kanyang ibang ugali. Like now, her tone is bossy. And she is more irritable. Napapangiti na lang ako habang nakikinita ang naiinis niyang mukha at tono. "Kendrick!" Mabilis kong ibinalik sa seryosong ekspresyon ang mukha ko ng marinig ko ang tawag niyang iyon sa pangalan ko. Nasa labas pa lang sila pero dinig na dinig na dito sa loob ng opisina ko ang boses niya.

