#43:

1361 Words

Hindi ko mapigilan ng matawa sa reaksyon niya lalo na ng muli siyang naupo sa tabi ko nahawak parin ang dibdib sa tapat ng kanyang puso. “Para mo na rin sinabi na mas mahal ka na ng tiyuhin ko gayon palagi niya ako noong pinapaluguran pero ngayon ay nagagawa na niya akong pagalitan at palayasin mismo dito sa mansyon ni Lola.” patuloy sa pagdradrama niya na para bang inaatake pa sa puso. “Tumigil ka nga, mamaya niyan atakihin ka na talaga sa puso.” natatawa kong pagsuway sa kanya na hinila pa sa pagkakasandal niya sa sofa at pinaupo ng maayos. Umayos na rin ako ng pag upo. “Siya nga pala. Dito ba lagi naglalagi talaga ang tiyuhin mo?” “Huh!” nagulat siya sa tanong ko dahilan para alisin niya ang pagkakahawak niya sa dibdib. “Bakit mo natanong?” “Wala lang.” sagot ko pero sa totoo lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD