"ARE YOU leaving today, Ate?" nagtatakang tanong ni Ruby nang makita nito ang maletang buhat ni Mang Dante, ang katiwala nila sa resthouse. "Oo, Ruby. I don't see any point in staying here a day or more. Ganoon din naman iyon, e. At least sa Manila, maihahanda ko na ang mga gamit ko papuntang Africa." "Nakausap mo na ba si Gerald?" mahinang tanong nito. Pagkarinig sa pangalang iyon ay muli niyang naramdaman ang kirot sa dibdib. Hindi na sana niya sasagutin ang tanong na iyon dahil natatakot siyang muling tumulo ang kanyang mga luha ngunit alam niyang kailangan niyang sanayin ang sarili. Hindi habang-buhay ay pwede niyang iwasang mapag-usapan si Glenard. Actually, isa ito sa sa mga rason kung bakit mas napaaga ang pag-alis niya. Alam niyang nang maghiwalay sila kahapon ay hindi na ito mu