Kabanata XXXV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA SAAN kaya nakilala ni papa ang mga ito? O baka naman dahil kay Aling Inicia ay nakilala niya ang grupong ito? "Kumusta ka na Kulas?" Tanong ni papa sa lalaking ngayon ay nakabenda pa rin ang kamay. "Maayos na po ako Don Juancho. Maraming salamat po pala," aniya. "Mahusay kung ganon. Bueno, sila ang mga magkakaibigan na inirekomenda ni Inicia," ani papa. "M-magkakaibigan lang kayo?" Tanong ko. Nagkatinginan sila at tila ba natawa pa sa katanungan ko.