Kabanata LVIII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. VERONICA (ANG TUNAY) KINAUMAGAHAN ay nagtungo kami sa mansion. Magkakasama kaming pumaroon at hindi ko alam kung anong magaganap ngayong araw lalo pa at katatapos lamang ng mga nangyaring rebelasyon kagabi, sa gitna ng isang piging. "Kuya, ano na ang mangyayari kay Don Juancho pagkatapos nito?" Tanong ko sa tahimik na si Kuya Nicholas. Siya ang kasama ko sa loob ng kalesa na aming kinalululanan. "Hindi basta bastang susuko ang matandang iyon Veronica. Alam k