Kabanata LIV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA "GANDAHAN MO ang ayos ng buhok ko ha?" Nasa silid ako ngayon at kasama ko si Cristina, ang isa sa mga inutusan kong ipagkalat ang balitang baog si Herman. Hapon na ngayon at mamayang gabi na ang magaganap na piging. Natitiyak kong maraming dadalo na panauhin ang papa at ang mga Lopez. "Oo naman ginang. Pero dati ka naman nang maganda kaya't kahit na ano ang ayos ng buhok mo ay babagay sa'yo," sabi pa niya habang sinusuklay niya ako. "Hmp. Ikaw ha, bin