(MILA YSHNA ORDONEZ – ARCILLA) DAHAN-DAHAN akong naglakad papasok sa warehouse na sinabi nang kidnapper sa amin ni Seth. Mahigpit kong hawak ang bag na naglalaman ng 5 Million Dollars. Kailangan kong makita ang anak ko ngayon. “Im here! I have the ransom money with me.Can you give me my son back?” tanong ko pero kaluskos lang ang narinig ko. “Just put the bag down on the left side and leave,” utos ng kidnapper sa akin, hinanap ko s’ya sa paligid pero di ko siya makita. Sigurado ako na kasama n’ya ang anak ko. Nanonood s’ya at binabantayan ang kilos ko. 'No! I’m not leaving this money without my son!” sigaw ko pabalik sa kaniya. “I was not with him for seven long years, just give him back to me. I need my son, “pakiusapko sa kaniya. “Do what I said, or else you will not have your