LIEGH Naalimpungatan ako ng naramdaman kong pumailalim sa ulo ko ang isang braso ni Declan at may pumulupot sa bewang ko kaya kahit inaantok ay napangiti ako. Blurred pa rin kasi ang diwa ko dahil sa madaling araw pa lang pero hindi ito dahilan para hindi ko mapansin ang presensya ng asawa ko. Masarap matulog dahil napaka-lamig ng panahon tapos yakap pa ako ng mahigpit ng lalaking katabi ko kaya lang kakaiba ang dating sa akin ng mabilis na t***k ng puso nito na akala mo ay tumakbo mula sa malayo at na pagod ng husto bago nakabalik dito. "Declan," usal ko sa pangalan niya ng halikan ako sa sintido. "I'm sorry kung na istorbo ko ang tulog mo at nagising kita, babe," pa bulong na sabi nito Hinaplos ko ang braso niya na nasa tiyan ko tanda na okay lang sa akin bago nilingon ito kaya hind