LIEGH "Nakakaalala ka na?" mangha na tanong ni Declan na hindi maitago ang saya sa maaliwalas na mukha habang nakatingin sa mukha ko. "Hindi!" agad na sagot ko sabay piling ng ulo. "Bakit mo nasabi 'yon kung wala kang maalala?" kunot ang noo na tanong nito. "Ang alin?" naguguluhan na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon niya sa sinabi ko pero hinayaan ko na lang dahil malayo ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Distracted kasi ako sa hubad at nakahantad na katawan nito na sa tingin ko ay konting galaw lang niya mahuhulog sa bewang ni declan. "Sinabi mo kanina na bakla ako, Liegh. Paano mo nasabi 'yon kung wala kang maalala?" tila wala sa sarili at halos pabulong na lang na tanong ni Declan sa akin. "Bakit, bakla ka ba?" natatawa at nanlalaki ang mga mata na ta

