LIEGH Limang araw na sunod-sunod ang naging training ko at masasabi kong hindi pala madali ito. Mas matagal at mahirap ang training na pinagdaanan ko kay Declan dahil naging easy siya sa akin unlike Amara na talagang na push ako up to my limit. Laging hindi pwede dahil baka makasama sa katawan ko ang ganito at gan'yan. Seryoso ang training ko at alam ni Declan na hindi niya ako kayang pigilan kaya wala siyang ibang choice kung 'di ituloy ko ito kasama si First lieutenant Arlene Dinsay. Isa siyang miembro ng sundalo na may mataas na ranggo at nakapagtapos sa Philippines Military Academy na nakapasok sa mafia organization sa hindi ko malamang dahilan. She's tough and fully trained talaga kaya mabilis akong natuto kasama Lt. Dinsay. Siya ang bagong ipinadala ni Amara at walang nagawa si

