LIEGH "Babe, h'wag kang lalabas at aalis ng hindi ko alam. Gusto kong mag-paalam ka sa akin kahit saan ka pupunta," sabi ni Declan ng lumapit sa akin habang nakatayo ako dito sa veranda hawak ang cellphone nito. "Why? May dapat ba akong malaman?" nagtatanong ang mga mata na nakatingin sa kan'ya na tanong ko. "It's Jacob, may balita akong itatakas niya si Mayor Lamisarez sa kulungan at sa tingin ko, harapan na siyang kumikilos ngayon," sagot ng asawa ko. Maang na nakatingin ako kay Declan, hindi ko maarok sa isipan ko kung bakit gagawin iyon ni Jacob. "Bakit nakikialam si Jacob sa kaso ni Mayor Lamisarez? Sa pagkakaalam ko, wala naman silang koneksyon na dalawa. I mean, hindi naman sila mag-kaano-ano," sagot ko. "You're wrong, babe," sagot ni Declan na tumingin sa harap. "Si Mayo

