LIEGH Narinig kong may pumaradang mga sasakyan sa garahe. Ibig sabihin lamang nito ay nakauwi na si Declan. Dalawang araw na simula ng mangyari ang gulo sa pagitan namin ni Leticia pero para pa rin kaming hangin ang turing sa isa't isa. Hanggang ngayon, hindi kami nag-uusap. Hindi rin ako kumikibo kapag narito siya sa bahay. Mas gusto ko na narito sa veranda kapag dumating siya at pumasok sa silid hanggang sa makaalis ito at pumunta sa opisina niya. Sinadya kong manatili dito dahil hanggang ngayon mabigat pa rin ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Kahit minsan, hindi niya ako kinausap kaya nanatili akong tahimik kahit pa magkatabi kami matulog sa kama. Hating gabi na siya kung pumasok ng silid, maaga rin siyang umaalis kaya kahit gusto kong bumangon ng maaaga ay nagtutulog-tuluga