LIEGH Namumula habang nag-iinit ang mukha na nag-iwas ako ng paningin kay Declan. Hiniling ko na nga sa panginoon na sana ay bumuka ang lupa at kainin ako para matapos na ang lahat ng ito dahil wala akong mukha at lakas ng loob na humarap sa kan'ya sa mga oras na ito. Hindi ko nga magawang tumayo dahil nanginginig ang mga binti ko at hindi rin nakatulong ang mataas na heels ng sapatos na suot ko plus me, being naked down there na talagang 'pag naiisip ko ay nahihirapan akong mag-isip ng tama. "Let's go, ayaw kong mag-hintay ang mga bisita ko," sabi ni Declan na hinawakan ako sa kanang braso. Muntik pa akong matumba dahil nanlalambot ang tuhod ko. Mabuti na lamang at agad na nahagip niya ang bewang ko kaya hindi ako lumagapak sa sahig at napatayo ng tuwid. "Brace yourself," mariin na b

