Alam ko na hindi ito ang tamang oras para mag-self pity ako pero hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Wala akong ibang dapat sisihin kung 'di ako mismo dahil tanging ako ang nakaisip at nagsulat ng pekeng balita na kumalat sa publiko. Isang malakas na katok ang narinig ko pero hindi ko sinagot. Gusto kong mapag-isa at ang tanging lugar na ito ang pinakamagandang pagtaguan ko pansamantala. "Diyos ko, madam! Bakit nagbabad ka sa tubig?" bulalas na tanong ng isang babae na pinihit pasara ang dutsa kaya natigil ang malakas na buhos ng tubig sa katawan ko. "Makakasama sa 'yo ang ganito. Paano kung magkasakit ka?" Lalong tumulo ang luha ko, siya ang kauna-unahang nagpakita sa akin ng concern pero pinili ko ang manahimik. Pagod ang isip at katawan ko, nakakapagod ang lahat ng nangyari sa

