LIEGH "Liegh, wake up!" malakas na tinig ni Declan ang gumulantang sa akin habang panay ang yugyog sa balikat ko ng magising ako. Napabalikwas ako ng bangon sabay siksik sa gilid ng kama at takip ng dalawang tenga habang mariin na nakapikit ang mga mata. "What happened? Anong napanaginipan mo?" Nasa tinig ni Declan ang pag-alala pero wala akong pakialam sa mga oras na ito dahil malinaw pa sa memorya ko kung anong mga sinabi niya at ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay kanina. "f**k! Anong mangyayari sa 'yo?" frustrated na tanong nito at hinawakan ang braso ko pero hindi ito nakatulong sa kondisyon ko dahil lalo lamang akong na alarma at tuluyan ng umatake ang depression, hanggang sa hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko. Gusto kong magsalita pero parang