Hindi ko alam kung paano kami natapos dahil para akong lutang sa hangin na sunod-sunuran sa lahat. Bawat naririnig ko ay pumasok sa tenga ko pero lumalabas sa kabila ng hindi ko naiintindihan ang lahat. Nagbihis ako ng walang imik at minadali ko ang lahat. Tutal, wala namang pakialam si Declan dahil pinalabas niya ang doctor at nurse matapos ang procedure na ginawa sa akin ng hindi man lamang nagpasalamat sa mga ito. Akala mo lagi ay pag-aari niya ang bawat lugar na tatapakan ng mga paa niya. Walang pakundangan kung palayasin ang mga kaharap na akala mo ay pinapakain niya. Nagsisisi talaga ako ng lubos na sinunod ko ang editor ko dahil kahit ginawa ko ang lahat para sa kumpanya pero sa huli, lahat kami ay bumagsak ng magkakasama dahil sa kagagawan ko. Kung pwede ko lang tagalang takas

