Matalim ang mga mata na tila nagbabadya ng panganib na tinitigan ako nito. Kahit masakit ang binti ko ay pinilit kong tumayo ng tuwid dahil hindi ko gugustuhin na maging mahina sa harap ng taong patuloy na pinapasakitan ako. "I don't want to see your ugly face, get out!" malakas na sabi nito habang kinakaladkad ako palabas ng opisina niya. "Leticia, give her some job! Make sure na mapapakinabanagan ko siya at hindi magiging palamuti sa loob ng opisina ko!" malakas na sabi ni Declan at pa balya na binitawan ang braso ko at muntik na akong masubsob sa sahig kung hindi ako nakahawak sa gilid ng mesa ng secretary nito. "Follow me, marami kang gagawin," nakangiting sabi ni Leticia na tinapunan ako ng nakakalokong tingin matapos suyurin ang buong katawan ko. Pumasok kami sa isang pintuan at

