"Eat, after that, uuwi na tayo," sabi ni Declan. Humihinga ako ng malalim at piniling 'wag sumagot. Konti na lang kasi ang pasensya ko sa lalaking ito na mukha na namang nalugi dahil lukot na naman ang linya ng kilay. "Prepare everything she needs, sa bahay na siya magpapagaling," sabi ni Declan na tumayo na. Natigilan ako sa gagawin ko sanang paglunok ng pagkain sa bibig ko. Mukhang pahihirapan talaga ako ni Declan dahil kapag nasa bahay na nga naman kami ay malaya niyang magagawa ang gusto. "Okay sir, pero make sure na hindi po muna ma-overuse ang paa ni Liegh dahil hindi pa po pwede," mahinahon na sabi ng doktor. "I know what to do, you don't have to remind me," masungit na sagot ni Declan na tinapunan ng masamang tingin ang doktor na napayuko na lamang. "Ang sama talaga ng ugali,

