LIEGH Tulala akong mahigpit na dakot ang kumot habang pinapanood ang intense na mga kaganapan sa harap ko. Naamoy ko ang dugo sa hangin at maging ang sa tingin ko ay pulbura ng baril. Maingay, may nagmura, sumigaw habang nanlalaban ang ilan sa mga lalaking pumasok dito sa silid namin ni Declan sa mga dumating na tauhan ng asawa ko. Daig ko pa ang nanood ng action movie habang ginagawa ito. Actual na nakikita ko kung paano tumilamsik ang dugo sa katawan nang isa ng may naglabas ng patalim at undayan ng saksak ang kalaban. May humatak sa akin at binuhat ako. Tulala habang parang hangin na naglabas masok sa dalawang tenga ko ang mga naririnig ko habang may dumadaing na nasaktan at nasugatang habang ang iba ay nagmumura sa kalaban. Napa-kurap ako ng pumasok kami sa isang silid na ngayon ko