Puro na lang safety ko, bakit kailan ba naging treat sa akin ang sarili kong pamilya at pati sila hindi ko pwedeng makausap man lamang? Ang hirap eh, hindi ko na nga sila pwedeng puntahan. Ayos na ako na nakakulong na ganito kasama si Declan para protektahan sila laban sa kan'ya pero bakit pati ang kakarampot na pagkakataon na pwede ko silang makausap ay hindi rin pwede? Tiniis ko ang lamig habang nakatayo. Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong malalim na ang gabi o baka nga madaling araw na. Hindi ako nag-abala na pumasok sa silid at kausapin si Declan dahil wala namang mangyayari dahil siya pa rin naman ang masusunod sa lahat ng bagay. Kung hindi pa umambon, hindi pa sana ako papasok sa silid. Mahimbing na ang tulog ni Declan at mukha itong maamong tupa sa ibabaw ng ka

