Unexpected Stacey's POV Tuwang -tuwa ako ng sinabi ni Cecille na may baon siyang ulam at adobong baboy iyon. Pinakapaborito ko sa lahat ang ulam na iyon at si Mommy I hate to say this, wala siyang ka-talent talent pagdating sa pagluluto kaya naman pala naging magaling na negosyante siya dahil hindi bagay sa kaniya ang maging housewife pag prito nga lang ng itlog ay sinusunog pa kaya naman parang masmasarap pang kumain na sardinas ang ulam kaysa sa luto ni Mommy. Masasabi kong maswerte si Cecille coz her Mom is a good cook. Hehehe! In fairness to Mom master naman niya ang pagsasaing ng kanin sa rice cooker. "Kanin na lang ang bibilhin natin makakatipid na tayo ngayong araw. "Ang sabi ni Cecil habang naglalakad kami papuntang ground floor kung saan naroroon ang aming canteen na la