Bad Hair Day Stacey's POV Waaaahhhh! Grabe ang pangit ng gising ko. Tsh!!! Hindi nga pala ako nakatulog at magdamag akong gising, hindi ako pinatulog ng kakaisip ko kay Fritz. Walang ganang bumangon ako sa aking kama, bigla akong natigilan ng maalala kong dito nga pala sa bahay namin natulog ang lalaking iyon kagabi, dali-dali akong nagtungo sa banyo na nasa loob din ng aking kwarto para maghilamos at magsepilyo at pagkatapos non inayos ko ang aking sarili at lumabas na ng aking silid. Naabutan ko sina Mommy at Daddy sa kusina na nag aalmusal. "Oh Stacey anak! Come' on join us. " Aya ni Daddy sa akin na itinuro ang upuan katapat ni Mommy. Inilinga ko muna ang mga mata sa paligid nagbabakasakaling makikita ko ang aking hinahanap ngunit sa kasamaang palad kahit anino ni