It's You Stacey's POV Linggo ngayon at wala akong pasok sa opisina. Tuwing ganitong araw ay sabay-sabay kaming nagsisimba nila Mommy at Daddy pero iba ngayon espesyal na araw ito para sa kanila, coz today is their wedding anniversary , kaya naman hinayaan ko na sila munang dalawa ang lumabas. Nilibang ko ang aking sarili sa paglilinis ng buong bahay at ng matapos ako ay hinarap ko naman ang labahan. Kasalukuyan akong nagbabanlaw ng mga damit ng may marinig akong nag doorbell. Napakunot ang aking noo, alas nuebe palang ng umaga, at sigurado naman akong hindi agad babalik sina Mommy at Daddy. At sino naman kaya ang tao sa labas? Patamad na tumayo ako, sa lahat ng ayoko ay yung may umiistorbo sa akin kapag naglalaba ako gusto ko kasi yung dire-diretso para mabilis akong matapos.