My Exe's Stacey's POV Naglalakad ako sa pasilyo ng bigla nalang may humablot sa akin. Papunta na sana ako nuon sa opisina ng masungit kong boss para ihatid dito ang mga video clippings na kailangan niya para sa isang campaign advertisement. "Finally na corner na rin kita. " Nagulat ako ng isandal ako nito sa dingding at itukod ang dalawang kamay niya sa pader dahilan para hindi ako makaalis sa posisyon ko. "Seb! What do you want from me? " Iritadong tanong ko. Ngumisi lang ito sa akin. Okay aminado akong nuknukan ng gwapo itong si Sebastian Henson pero the nerve hindi niya ba talaga alam kung bakit ako nakipag break sa kaniya, sina Samantha, Kaye, Nicole, Thea, Darsi at marami pang ibang mga babaeng galing sa mayayamang pamilya ay naging girlfriend niya, in short napaka