Stacey's POV "Hey, is there something wrong?" Bigla akong napakislot ng marinig ko ang boses na iyon ni Fritz. "Ah! Wa...la, wala!" Sunod-sunod ang aking pag iling. "Napapansin ko this past few days lagi kang tahimik." Lumapit ito sa akin at bahagyang hinawi ang buhok ko na tumakip sa aking mukha ng umihip ang malakas na hangin. Pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw habang nakaupo kami sa malaking tipak ng bato na nakapwesto sa gilid ng dagat. "Hon! " Tawag ko dito. "Hmm." Ibinaling nito ang tingin sa akin. " If I will make the same mistake again, will you still forgive me?" I know it's not the right question to ask, hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para itanong sa kaniya ang mga bagay na iyon. I am just giving him a hint in a way, but I can't help it, sobra