Stacey "I know you can't forget him in an instant, but well at least try to relax and unwind. Why don't you go with me and Luke in Korea, I'm pretty sure you will love it there." Tatlong araw na ang nakalilipas ng lisanin ko ang Villa Saavedra. "Portia, alam mo naman na mahirap na kami ngayon at hindi ko na afford magtravel abroad." Pagpapaalala ko sa aking kaibigan dahil mukhang hindi parin na-aabsorb ng utak niya na bankrupt na kami. Sandaling natigilan ito. "Hmm! Then my treat! Ako ng bahala sayo." Sunod-sunod ang iling ko, sa loob ng tatlong buwan na nanatili ako sa Villa Saavedra natutunan kong pahalagahan ang mga bagay-bagay, isang kapritso lang ang pagliliwaliw lalo na sa kalagayan ko ngayon na marami akong dapat isa alang-alang. "No! Thanks, kayo na lang ni Luke OP lang ako