Margaux Arevalo Napalingon ako nang marinig ko ang kalansing ng kung ano at bumungad sa akin ang gulat na gulat na mukha ng isang babaeng nakasuot ng traditional kimono. Namumukod tanging ang hawak na lamang nito ay ang walang lamang tray habang sa paanan nito ay ang mga basag na tasa ng tsaa at tea pot. Napatingin ito sa akin at saka larawan, nang humakbang ako papalapit dito at siya namang pag atras nito. Nakailang atras pa muna ito saka ito kumaripas ng takbo at naiwan nanaman akong mag-isa sa walang katao-taong lugar na 'yon. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nadaanan akong silid na tila ba may mga taong nag-uusap sa wikang Japanese. Napatigil ako sa paglalakad at nagpatayo ako sa labas ng silid na iyon. Tila ba nagpupulong ang mga iyon, halatang seryoso ang mga pinag-uus