Margaux Arevalo Dahil sa pinayagan na ako ni Magnus na makapagtrabaho ay maaga akong nagising, syempre excited ako. Wala pamg alas-sais ay handa na akong umalis. Pagpunta ko ng parking lot ay naroon na si Dawson, nahihintay sa akin. "Dawson! I'm back to work!" Masaya kong turan. "Congratulations, young miss." Saad nito ng nakangiti sa aka niya ako pinagbuksan ng pinto. Naalala ko bigla na hindi ko pa pala nasasabihan si Irene. Nakakaisang ring pa lang ay nasagot na agad nito, "good morning, Margaux." Sa halip na ako ang bumati ay ito na ang nauna. "Good morning, Irene. Guess what?" exciting kong turan. "What?" tanong niya naman. "I can go to work now!" bulalas ko habang nakakuyom ang isang kamao sa sobrang excitement. "Alam ko," maikli nitong tugon dahilan upang mabura ang ngiti k