“I can’t believe that with my power I can’t do anything to find my wife.” Iyon and bumungad kay Ezio nang pasukin niya ang opisina ni Magnus. Napapalibutan ito ng sarili nitong pamilya, naroon ang kanyang mga pinsan, si First at Second maging si Sato ay naroon din. Napakatahimik ng buong silid, wala ni isa sa mga ito ang naglakas loob na magsalita. Napatikhim siya dahilan upang mapatingin sa kanya ang mga ito. “Baka naman kasi wala na dito ang hinahanap mo.” Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Magnus. Iniabot niya ang cellphone dito. “That is an image captured by a drone, apparently my daughter is in the hands of a Brugatti. “What?!” hindi makapaniwalang turan ni Magnus. “Nilusob namin ang bahay ngunit wala na run,” patuloy ni Ezio. Ipinitik nito ang daliri at pumasok ang dalawa sa tauha

