Nagising si Margaux na mabigat ang katawan. Dahan-dahan siyang bumangon ngunit mas ikinabigla niya ang mga sugat na marka ng kalmot niya sa katawan ng binata kumpara sa malaking sugat nito na nasa likuran. Mahimbing na natutulog ang binata habang nakadapa ito sa kama. Dahan-dahan niyang inilapat ang mga daliri sa ibabaw ng mga marka saka niya inayos ang kumot nito. Dahan-dahan at buong ingat na bumaba ng kama ang dalaga upang hindi ito magising ngunit laking gulat niya nang maramdaman niyang halos walang lakas ang kanyang mga paa dahilan upang bumagsak siya sa sahig. "Wife!" Sigaw ng binata nang awtomatiko itong nagising dulot nang nalikhang ingay ng dalaga. Halos hindi naman makapaniwala ang dalaga nang makita niya ang mga marka sa katawan. Mula sa kanyang braso, dibdib, t'yan at hita a