Habang pinupunasan ni Magnus ang bibig ko ay muli kong nakitang tumatagos ang paningin nito sa likuran ko. Pasimple akong lumingon at bukod tanging si Dad lang ang naroon. Nakangiti at malambot ang mga tingin ni Dad habang si Magnus naman ay tila ba nagdidilim. Napabuntong-hininga na lang ako, hindi ko alam kung paano ko patitigilin si Magnus sa inaasal niya. Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Magnus sa kamay ko nang akma akong tatalikod dito kung kaya ay hinarap ko siya. "Magnus, let go." Seryoso at may diin kong turan. Halos pabulong iyon kung kaya't walang ibang nakarinig. Napatitig ito sa akin saka sa paligid saka ako binitawan. "Thank you." Tinalikuran ko na ito saka nilapitan si Dad. "Dad," saad ko. Gusto ko man itong yakapin ngunit sa isiping nasa publiko kami ay hindi maaari, t

