Margaux Arevalo Bakit pakiramdam ko kasalanan ko pa na hindi ko ito kinausap matapos ang ginawa nito sa akin? Muling nanumbalik sa ala-ala ko ang pagtangka nito kaninang kausapin ako. Marahil ay nais nitong magpaalam kanina. I shake my head saka tumayo. Sa halip na lunurin ang sarili sa kakaisip ay pinili kong magpunta sa kampo ng mga Yakuza. Dali-dali akong nagbihis saka ko kinuha ang maskara at lumabas ng silid. "Dawson," pagtawag ko dito. Agad naman itong lumingon. "Yes, mi lady?" tanong nito habang nagsusuot ng itim na gloves. "I wanna see lolo," saad ko dito. Tumango naman ito saka tinungo ang sasakyan. Sumunod ako dito. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka ako sumampa. Nang marating namin ang mansyon o mas kilala sa tawag ng mga hapon na 'apãto' ay hindi muna ako bumaba ng sasak