Margaux Arevalo Nagising akong tila ba may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa akin. Nabigla ako nang makita ko si Magnus na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napatingin ako sa braso nitong nakapulupot sa akin. Dahil sa napakalapit nito ay pinasadahan ko ng tingin ang napaka gwapo nitong mukha habang mahimbing itong natutulog. Kaya naman pala halos hindi ako makagalaw dahil nakadagan ito sa akin. Dahil dito ay tuwid akong nakahiga habang nakatingin sa kisame, muli kong ibinalik ang mga tingin sa natutulog na si Magnus. Nagdadalawang isip ako kung itutulak ko ba ito o hahayaan na lang dahil nag-aalala din ako na baka magising ko ito at baka pagalitan nanaman ako, ay mali pala hindi naman ako pinapagalitan ni m Magnus-- namamalo lang ng pwèt. Napatingin ako sa nakabukas na bin