Margaux Arevalo Alas syete ng umaga nang dumating ako sa shooting site. Naroon na si Giovanni, siglo ina mo na lang ito sa akin ng mga ilang minuto. "Oh, nariyan na pala ang alaga ko," dinig kong sabi nito sa kausap. Lumapit dito sa akin at saka kinuha ang ilan sa mga dala kong bag. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita ano," sabi nito sa akin saka ako pinaupo. Ngumiti ako, "oo nga eh," iyon lang ang nasagot ko. Nilibot ko ng tingin ang buong site ngunit wala si Irenr. "Si Irene ba?" tanong ko dito. "Wala pa," sagot nito saka napabuntong hininga, "palibhasa abala siguro kagabi," dugtong nito na ikinakunot ng noo ko. "Magdamag siyang nagtrabaho?" tanong ko saka ito hinarap upang antayin ang magiging sagot nito. "Pumapag-ibig na kasi ang ateng mo, may nakilalang Italyano kaya ayon a