Dahil sa natakot si Celine sa maaaring mangyari ay agad siyang umuwi ng bahay. Pagdating ay wala doon ang kanyang mga magulang na pawang nasa ibang bansa dahil sa isang business meeting. Napasandal siya sa saradong pinto at saka napahilamos sa sariling mukha gamit ang mga nanginginig na mga kamay. "I know, sabi ko na nga ba, pinagbabayaran ko na ang mga nagawa kong kasalanan." Bakas sa boses ng dalaga ang matinding kilabot. Napayakap ito sa sarili saka napahagulhol ng iyak nang magsimulang bumalik sa kanyang ala-ala ang mapait na gabing 'yon. "You stay here, Celine. Saglit lang ako." Utos sa kanya ng tiyahin na si Dorella habang iniiwan siya sa sala ng mga Vernardice. Tumango siya at saka hinatid ng tingin ang tiyahin na papaakyat ng hagdan hanggang sa marating nito ang silid. Bumukas a

