Sapo-sapo ang sariling sugat sa tagiliran ay pinilit ni Ezio na tumayo. Hindi niya namalayan ang papalapit na kalaban. Huli na nang mapagtanto niyang nahuli siya nito. Isang matulis na bagay ay tumaob sa tagiliran niya at tumagos iyon sa kanyang likuran. Napahawak siya sa balikat niya nito habang sumilay ang isang mapanuyang ngisi sa mukha nito. "Kamusta, lord Ezio?" Nakangising turan ng lalaki, "hindi ko alam na magkikita tayo dito, magugulat si Vencielo kapag nalaman niyang buhay ka pa ngunit matutuwa siya kapag nalaman niyang napatay ba kita ng tuluyan," dagdag nito. Nakita niya ang pilat sa bandang mata nito. Dahil do'n ay para siyang hinigop ng kanyang nakaraan. Lulan nila ni Yuriko ang Yate patawid sa dagat ng Roma para sa isang bakasyon. Karga-karga ng asawa ang kanilang mag-iisan

