Third Person's POV Dahil sa feeling depress si Margaux ay naisipan niyang i-divert ang feelings niya at humanap ng masasayang video. Ngunit anong kamalasan naman at napadpad siya sa isang spoken poetry na mas lalo lang nag trigger nang kalungkutan sa puso niya. Limot na Kita Mahal, naaalala mo pa ba, noong una tayong magkita? Naaalala mo pa ba, kung paanong ang iyong mga mata, Kung paanong ang ating mga tingi'y nagtama? Naaalala mo pa ba, kung paano mo sabihing ako lang at walang iba? Naaalala mo pa ba, ang pakiramdam sa tuwing tayo'y magkasama? Naaalala mo pa ba ang unang Hi, Goodbye at lahat ng nasa gitna? Kung naaalala mo pa, pakiusap mahal... limutin mo na Dahil ang mga alaalang iyon... ay limot ko na. Limot ko na mahal, limot ko na ang pakiramdam ng nagmamahal! Limo