Chapter 133 Margaux Looking Back

1147 Words

Nagising ako sa masuyong halik, mahinang haplos at malamyos na tinig ni Magnus. Nang marinig kong may sinasabi ito ay pinili kong hindi magmulat ng mata at magkunwaring tulog na lang. Narinig ko ang mga sinasabi nito at batid ko ang damdamin sa tono ng pananalita nito. Ilang minuto lang ay tumunog ang cellphone nito at tumayo ito. "Lo?" Dinig kong tanong nito nang sagutin na nito ang telepono. Dahan-dahan akong nagdilat ng mata upang silipin ito. Nakita ko siyang nakatayo sa may bintana at binuksan niya iyon. Pumasok ang malamig na hangin at mas naging malinaw na rin ang tunog ng mga alon sa baybayin. Mula sa aking kinahihigaan ay malaya ko itong napagmamasdan. Hindi ko alam kung papaanong sa loob ng mahigit isang lingo lang ay naghilom na ang sugat nito sa likuran. Mukhang totoo nga a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD