Third Person's POV Tumayo na si Margaux mula sa pagkakadapa at bumalik sa kinauupuan. Parehong pinapanood nila ni Dawson ang isa-isang pag-alis ng mga sasakyan. Nakita niyang napabuntong hininga si Dawson saka nito isinara ang bintana ng kotse. "Sino sila?" tanong niya kay Dawson. "That guy na kausap ko kanina, ay ang bunsong anak ng mga Vernardice, young miss." Sagot ni Dawson habang ibinabalik nito ang baril sa dati nitong lagayan. "Vernardice?" pag-uulit ng dalaga na animo'y may pilit itong inaalala, "pamilyar kasi ang apelyido nito," dagdag niya pa. Mula sa rearview mirror ay napatingin si Dawson. Sigurado siyang imposible na narinig ng dalaga ang pangalan nito mula kay Third gayong maingat ito pagdating sa mga ganitong usapin. He clearly remember what the great magnate said, na