Abala ang lahat para sa darating na Grand Elite Ball. Dahil sa nagawa itong maiurong ni Ezio ay may isang linggo pa sila upang maghanda. "Good morning," nagising si Margaux sa boses na iyon ni Magnus. Nang magdilat siya ng mata ay ito agad ang bumungad sa kanya. "How's your sleep?" Tanong sa kanya ng binata. "Okay lang," tila nag-aalangan niyang tugon. "Kanina ka pa ba gising?" tanong niya dito. "Kani-kanina na rin, hindi na kita ginising, ang himbing ng tulog mo eh." Ngumiti ang binata saka ito umusog palapit sa kanya. Napapikit siya nang gawaran siya nito ng isang halik sa noo. Napatingin si Margaux sa orasan at saka niya lang napansin na alas-syete na ng umaga. "Oh my god!" bulalas niya habang sapo-sapo ang bibig, "ngayon tayo magpapasukat ng damit 'di ba?" nanlalaki ang mga matang

