"Walang ganyanan, Masters. Alam n'yo naman kung gaano ako ka-devoted sa Papa ninyo. Bakit ba kasi kailangan n'yo silang kidnapin ng Mama n'yo? Maari namang sabihin n'yo ng maayos eh." Nakangiwing reklamo ng Filipino doctor o ang isa sa mga anak nang yumaong sworn ng kanilang ama. General Surgeon Reymundo II. The second daw kasi nasa martialart ang JR. Lahat naman ng mga anak nila ay pawang debosyonado sa magulang nila. Kaya't hindi nila ito masisisi kung bakit ganoon kung magreklamo. "Tsk! Tsk! Ikaw, Brod, bakit ka ba takot na takot? Hindi naman natin sasaktan sina Nanay at Tatay eh. Kailangan lang naming patulugin sila ng ilang oras upang madala sa lugar na napaka-importante sa kanilang dalawa. Alam iyan nina Uncle Mundo... Sumalangit-nawa. Ibig kong sabihin ay sina Uncle Bong at Ron.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


