"What did you just say?!" Dahil sa gulat ay napatayo si Kwanchai Kris. Dinadaya ba siya ng kaniyang pandinig o talagang tama ang narinig? "Alam kong naunawaan mo ang sinabi ko, Master Kwanchai. Nang pumasok ang asawa mo sa inyong pamilya bilang nurse ng iyong anak at pagiging doctor ko rin dito ay planado. Dahil kasapi kami sa international drug trafficking. At ang proyekto namin nasimulan lamang ay human trafficking. Kaya't kumapit sa inyong pamilya si Patricia dahil ang anak mo sana ang isa sa mga biktima. "Ngunit talagang mabait ang langit sa inyo. Dahil nang sa wakas ay ikinasal kayong dalawa ay saka naman nagbunga ang pagmamahalan namin---" KUNG napatayo siya sa una nitong isiniwalat ay nahampas naman niya ang lamesa sa huliang bahagi ng pahayag. Di yata't sobra-sobra ang pagka-im

