Dahil sa tulong nang mga iniwang ebisensiya ng namayapang Hepe ay unti-unting nalinis ang departamento ng pulisya sa pamumuno ng dating Assistant Chief. Ito na rin ang pumalit sa dating Hepe. At sa sanib puwersa ng militar o ang Camp Villaflorez, ang judge na nilapitan ng heneral sa naturang kampo at ang pulisya. Naparusahan ang mga nagkasala, sumailalim sa masusing paglilitis ang mga nasa listahang hinawakan ng mga Xaviers. Dahil napatunayan ang mga kasalanan nila ay bumagsak sila sa New Bilibid Prison. Samantalang ang mga nadawit ng walang kamalay-malay kasali na ang sarhento na umamin sa pagkakamali ay nabigyan ng ikalawang pagkakataon upang magbago. Kahit nga ang mga nahuli sa mismong tahanan ng pamilya Xavier ay naparusahan din. Ngunit hindi tumanggap ng kahit ano'ng regalo at danyo

